Kabanata 6
Sa parking lot lang hinatid ni Justin si Lenita pero inabot na siya ng forever! Ang nakakainis pa, wala akong dalang jacket pangtakip sana sa likuran ko, nagkaron na kasi ako ng tagos kakaantay sakanya! Anak naman ng tupa!
"S-Sir..." Haist! Kelan ba ako masasanay na tawaging 'Sir' si Justin? Mukhang matatagalan pa. Nilingon naman niya ako pero hindi siya sumagot. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya! Nakakahiya! Syempre, it's a girl thing! Hay bahala na nga si Batman kesa naman mapuno ako ng tags dito noh!
"Pwede bang lumabas?" Nag-aalangang tanong ko sa kanya. Kumunot naman yong noo niya at binaling niya sakin yong buong atensyon niya.
"Why?" Masungit niyang tanong sakin. Sabi na nga ba at itatanong niya sakin kung bakit. Sa bagay its working hours kasi.
"Uhhmm... ano kasi, uhh..." Eish! Hindi ko masabi-sabi! Nakakahiya! "Uhhmm..."
"What Joanna? I don't have time for your s hits!" Masungit na sabi sakin ni Justin na nakapagpa-inis naman sakin. Maayus ko naman siyang kinakausap eh! Pero ang sungit-sungit pa din niya sakin! Samantalang kapag si Lenita, sweet siya?! Loko 'to ah! Eh akong asawa niya!
"Bibili lang ako ng napkin! My dami ko ng tagos!" Galit na sabi ko sakanya. Nakipagsukatan pa ako ng tingin sa kanya, isang minuto na at ang lumipas pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya muli akong nagsalita.
"Ano papayagan mo ba ako o hindi?!" At don lang ata siya mukhang natauhan, cold na masungit yong tono ng boses niya ng sumagit siya sakin.
"Fine." Hindi na ako sumagot at dire-diretso na sana akong maglalakad palabas ng biglang hawakan ni Justin yong kamay ko, na kinais ko naman! Ano na namang kailangan ng mokong na 'to? Muli ko siyang binalinggan ng tingin.
"Ano? My ipapabili ka? My iiutos ka habang nasa labas ako?" Medyo inis ko pa din'g tanong sakanya. Muli ko siyang binalinggan ng tingin.
"Ano? My ipapabili ka? My iiutos ka habang nasa labas ako?" Medyo inis ko pa din'g tanong sakanya. Syempre, time is gold! Kundi ako magmamadali, baka mapuno na ng tagos 'tong damit kung pang-ibaba.
"You have blood stains on your skirt." Seryosong sabi sakin ni Justin at balik na naman sa pagiging pokerface yong mukha niya. Eto na nga bang sinasabi ko eh! Nakakahiya! Sa dami ng beses na naipahiya ko ng di sadya yong sarili ko kay Justin, eto yong matindi! Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kung isagot!
Gustong-gusto ko saang isisi sakanya yong pagkakaron ko ng madaming tagos! Baka nga ay tama yong hinala ko na naglandian pa sila ng malantod na si Lenita kaya ang tagal-tagal niyang bumalik! At baka dapat ipaalala ko sakanya yong kasabihan na time is gold! So, treasure your time and go back right away to our office because I'm waiting for you! Hindi yong my time ka pang landian yang kabit mo samantalagang nag-aantay dito yong asawa mo! Chaar!
Baka pagkamalan ako ni Justin na baliw na feelingera kapag sinabi ko yon. At saka wala din akong lakas ng loob at saka baka kaya niya ako iniwan seven years ago dahil kay Lenita. Wala na din kasi akong naging balita sa babaeng yon, simula ng iwan ako ni Justin. Kung kelan kailangan ko sila ni Katastrophe saka naman siya absent buti nalang at dalawa silang bestfriend ko.
"I can't let you go, looking like that." Mahina pa niyang sabi na tama lang para madinig ko. Nagpanggap nalang akong hindi ko nadinig yong sinabi niya. Sana pala noon ay nagpakita nalang ako sa kanyang my tagas noon baka sakaling nagbago yong mga pangyayari at hindi niya ako iniwan ng walang dahilan at baka imbis na sila ni Lenita ang magkasama ngayon ay kami... sana. Pero symepre, nangyari na ang nangyari. Hindi na pwedeng ibalik ang nakaraan.
"Stay here and I'll buy it for you." Then the next thing I knew, I am looking at Justin's back and his on his way to buy me some pads. Sigh. Ano ba talagang ginagawa mo Justin? One moment, ang cold at sungit mo sakin then the next thing I knew gumagawa ka naman ng sweet gestures na nagpapakilig sakin. Paasa ka din'g gago ka eh!
"Bakit ang dami nito?" Gulat na tanong ko kay Justin. Imbiss kasi na magpasalamat ako sa kanya, hindi ko na nagawa sa ginawa niyang panggugulat sakin. Nilagay niya kasi sa working table ko yong tatlong malalaking paper bag na ang laman ay puro napkins na iba't-ibang brand.
"I don't have any idea what brand are you using so, I bought everything." Sagot naman niya sakin at saka siya nagkamot ng batok. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko para pigilan yong pagngiti ko. Pinakikilig na naman ako ng mokong na 'to! Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanya.
"Kahit anong brand naman ay okay lang." Mahina kung sabi sa kanya. "Uhh... salamat pala dito." Sagot ko naman sakanya at saka ko inexcuse yong sarili ko sa kanya. Tumango naman siya at bumalik sa office niya habang ako nagdiretso ng banyo.
Nang dumating naman ang oras ng uwian hindi na ako mapakali, hindi dahil sa uwing-uwi na ako. Kundi dahil sa laki na naman ng problema ko, symepre hindi nalang yon undie ko yongm ga tagos kanina diba? Pati na din yong skirt ko at ang nakakainis pa nakita yon ni Justin. Sigh. Nakakahiya!
At mas lalo pa akong mapapahiya ngayon kasi madaming makakakita sakin'g my tagos. Huhu! Timing na timing pang wala akong load! Meron namang phone dito pero hindi ko naman magawang tawagan si Katastrophe kasi exclusive lang yong line sa pagtawag at pagsagot ng tungkul sa company concern. Anak ng tupa! Kapag sinuswerte ka nga naman.
Alangan naman makitawag ako kay Justin diba? Binilhan na nga niya ako ng napkin eh! Tama na yon. Baka sabihin pa niya umaabuso na ako. Paulit-ulit ko namang tinignan yong bag ko, pwede naman nay yan sigurong napakip sa likuran ko diba?
Syempre, bago ako sumabak s gera eh sinubukan ko na muna. Buti nalang at medyo halata na yong reflection ko ngayon sa glass walls. Kaya makikita ko kung effective pa yong pagtatakip ko ng bag or hindi. Napasimnagot pa nga ako ng makita kung kalat-kalat pala yong tagos ko! Meron'g malilit at meron'g malalaki. Sigh.
Nang i-cover ko naman yong bag ko, mashado 'tong maliit para macovran lahat ng nagkalat kung tagos. Tuloy ay hopeless akong napaupo pabalik sa working station ko. Wala akong ibang choice kundi ang mag-antay na dumilim para hindi na mahalata yong tagos ko. Kung bakit ba kasi ngayon ko pa naisipang magsuot ng light na skirt. Sigh.
Since madami pa naman akong naiwang work at naisip ko kaninang bukas nalang since tapos naman na yong working hours ko, nawalan tuloy ako ng choice kundi ipagpatuloy nalang 'to. Alangan naman kasing tumunganga lang ako dito habang nag-aantay na magdilim diba?
Sa dami pala ng maiiwan ko sanang trabaho para bukas hindi ko na napansin yong oras, kundi pa lumabas si Justin ay hindi pa ako mapapasulyap sa relong pagbisig ko. Nagulat pa ako ng makita kung ten PM na pala. Napatingin pa nga sakin si Justin, mukhang ginulat ko din siya kasi hanggang ngayon ay nandito pa ako. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang ngitian or hindi. Nung huli ko naman kasi siyang ngitian, dineadma lang naman niya diba? Hmp!
"What are you doing here still?" Walang emosyon tanong sakin ni Luke.
"Uhh... nag-overtime lang. Ang dami ko pa kasing naiwang trabaho." Sagot ko nman sa kanya. Syempre, hindi ko na sinama kung main reason kaya hindi ako nakaalis dito kaninang five PM. Tulad ng nakasanayan na ni Justin ang tagal niya bago sumagot, tapos isang tango lang naman pala yong sagot niya at muli na naman niya akong pinakatitigan na naging dahilan para maconcious na naman ako. Kaya nagkunwari na naman akong busy'ng nagtatype at nakafocus sa computer.
"Are you done?" Maya-maya ay tanong sakin ni Justin. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko kasabay ng pagtango ko. Husky'ng-husky tanong sakin ni Justin. Sunod-sunod pa akong napalunok kasi pakiramdam ko ay nanunuyot na yong lalamunan ko, my naaalala kasi akong kalokohan jan sa husky'ng boses ni Justin. Nung... nung unang gabi ng kasal namin. D ang!
"Let's go home Joanna. It's getting late." Dagdag pa niya. This time, dahil tuluyan nang nagshut down yong computer ko, tumango na ako at saka ko kinuha yong bag ko at hinarang sa likuran ko. Nadinig ko naman pagbuntong hininga niya na hindi ko alam kung para saan. Hindi ko nalang pinansin, baka stress siya sa work.
Pero ganun nalang yong gulat ko ng maramdaman ko si Justin sa my likuran ko. Sobrang dikit ng mga katawan namin. Bigla na naman tuloy akong naging constipated. Lipat bahay din agad sa loob ng tummy ko yong mga butterflies. Yong puso ko wala na ata sa rib cage ko! Binaback-hug lang naman kasi ako ni Justin! D amn! Ano na namang kalokohan 'to Justin?! Bakit bigla-bigla ka nalang nangyayakap? Ramdam na ramdam ko pa nga yong paghinga niya sa my gilid ng leeg ko.