Kabanata 35 Para namang bulang naglaho yong pagkauhaw ko at dali-daling lumabas ng bahay para lang mapuntahan si Justin sa labas. Buti nalang at my payong na nakasabit lang sa likod ng pinto namin. "Justin!" Sigaw ko sa kanya ang lakas kasi ng ulan tapos medyo kumukulog-kulog pa. Napalingon naman siya sakin. Nagmamadali naman akong naglakad palapit sa kanya at saka ko siya pinayunggan. "Wife." Paos na boses na tawag naman niya sakin. Naningkit naman ang mga mata ko ng makasalubong ko yong namumungay niyang mga mata. "Naglasing ka?" Tanong ko pa sakanya. Hindi naman siya sumagot kaya naman nagtip toe ako para maamoy ko siya, at tama nga! Amoy alak siya. Mas lalo namang sumingkit yong mga mata ko at saka ko hinampas yong braso niya. "Bakit ka ba naglasing ha?" Inis kung tanong sa kanya.