Kabanata 34 "Bakit naman kasi hindi mo man lang pinagtanggol yong sarili ko? Anong katangahan na naman 'to Joanna!" Tanong sakin ni Katastrophe habang tinutulunggan niya akong gamutin yong mga sugat ko. Napangiwi naman ako ng idiin niya yong bulak na my cotton sa kalmot sakin ni Lenita. Grabe bruha na yon ang hahaba ng mga kalmot na binigay niya sakin. "Nagpapakamartyr ka na nga jan sa paglalandian nila Justin at Lenita ng harap-harapan tapos pati ba naman sa pagbubugbugan niyo." Sermon pa niya sakin at ngayon naman yong kalmot ko sa leeg yong ginagamot niya. Napapapikit nalang ko sa hapdi ng sugat ko at ng alcohol. Sunod naman niyang nilagyan 'to ng betadine. Habang si Dustin naman ay nakaupo lang sa my gilid namin at pinanunuod yong paggamot sakin ni Katastrophe. Siya kasi yong nag-u