Matapos namin puntahan ang ilan sa mga tourist spot sa Tagaytay, nagpaalam na sila Rion dahil mauuna na silang uuwi. Ako naman, kasama ang sila Eva ay naghanap ng isang maliit na boutique. May naka-display na wedding gown doon at iyon ang nakapukaw sa atensyon ni Tita Genesis. "Maiwan na lang muna kayo dito dahil bawal mong makita ang suot ni Alexa," sabi ni Tita at kaming dalawa lang ang bumaba doon. Hindi na rin sumama si Eva dahil sa kawalan ng interest. "Alam mo dapat, nakahiwalay ka ng bahay eh. Kasabihan kasi iyon, bawal kayong magkita," sabi niya sa akin habang papasok kami sa boutique. Maaliwalas ang loob ng boutique. Sa bandang kaliwa, nandoon ang ilang mga dress na naka-hanger tapos ay may tatlong lamesa sa bandang dulo, sa kanan naman ay may isang makina-pangtahi. Sa likod