Nasa loob lang ako ng kwarto at abalang magbasa ng libro nang biglang pumasok si Genro at amoy na amoy ko sa kanya ang alak. Pulang - pula na siya ng tumabi siya sa akin at gumegewang pa siya kahit nakaupo. Binitawan ko ang librong binabasa ko at lumapit sa kanya para bihisan siya. Iniangat ko ang damit niya pero pinigilan niya ang kamay ko. "Bakit mo ko hinubuharan! Wag mo kong pinagsasamantalahan ha, sino ka ba?" bnauutal nitong tanong sa akin at natatawa na lang ako. Para siyang bata kung magsalita kapag lasing. "Ako si Alexa," mahinahon kong sagot kaya naman hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako. Umiling - iling siya ng mabagal pero muling tumitig sa akin. "Hindi ikaw ang asawa ko. Kung ikaw ang asawa ko, halikan mo ko!" paghahamon niyang sabi at inalis ko a