Sabado kinabukasan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para mapuntahan ang lugar kung saan maraming kaso ng pagkawala ng mga tao. Mabilis akong nag-ayos para mapuntahan agad ang lugar na iyon dahil ilang oras rin ang byahe nito. Tirik ang araw ng umagang iyon pero hindi ko ininda ang init dahil sa pursigido akong marating ang pakay ko. Pagdating ko sa bayan, ang sabi sa akin ay tanging mga jeep na may dalang gulay ang bumabyahe papunta doon kaya binayaran ko ang driver ng isang jeep para isakay niya ako. Sa tabi na ako ng driver umupo at panay ang kwento niya pero tanging tango at ngiti lang ang sinasagot ko sa kanya dahil si Genro ang tumatakbo sa isip ko. Habang nasa byahe, namataan ko ang pamilyar na sasakyan. Hindi ako maaaring magkamali, sasakyan iyon ni Genro. "Manong, Para!" s