Kinabukasan ay naging maganda na ang pakikisama sa akin ng mga ito na parang walang nangyari sa pagitan namin ni Shiela. Kung bumati sila sa akin ay parang regular na empleyado na ako. Pero pinakiramdaman ko ang mga tao sa paligid ko dahil alam ko na hindi ako dapat magtiwala sa kanila. Dahil sa nangyari kagabi ay nagkaroon ako ng kutob na ang taong may gawa no'n ay malapit lang sa akin at alam nila ang paghahanap ko kay Genro. Gusto kong hulihin ang gumawa sa akin ng bagay na iyon at kailangan kong mag-ingat sa mga taong kinakausap ko. Kumilos na lang ako ng naaayon sa pinapakita nila at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at inisip na tama lang ang nangyayari dahil hindi maganda ang magkaroon ng usapan sa kapwa. Nagkaroon ng panibagong kaso ng kidnapping sa lugar kung saan ko naki