Nagising ako na katabi ang isang lalaking hindi ko kilala at nang ilibot ko ang aking paningin, nakita ko sa lamesita katabi ng kama ang isang voice recorder, may nakapatong dito na isang papel at nakasulat ang 'Listen, Alexa.' Nanginginig ko itong kinuha at nilagay sa aking ang earphone. Boses ko ito at nang matapos kong pakinggan, tinitigan ko si Genro at yumakap sa kanya. Pakiramdam ko ay ligtas ako kapag siya ang kasama ko. Hindi na ako nakatulog kaya marahan akong binuksan ang drawer at binasa ko na lang ang journal ko. Sulat kamay ko ang nandon at nabasa ko ang ilang pangyayari bago ako humantong sa ganitong kalagayan. Nakaalitan ko ang bago kong katrabaho at Shiela ang pangalan niya. Gusto ko siyang makita para tanungin kung may kinalaman siya sa nangyari sa akin. Nang makita