"Anong sinabi ko?" tanong ko sa kanya at nagulat siya sa tanong ko dahil sa napatakip siya ng kanyang bibig. Alam kong may nililihim siya sa akin nang mga sandaling iyon. "Ah, hayaan mo na," pag-iiba niya ng usapan pero hindi na naalis sa akin ang sagot niya dahil sa kagustuhan kong maghanap ng sagot. Kabado ako sa kung ano ang pwede niyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa, dahil sa ideya na masasaktan ako sa sasabihin niya. "May dapat ba akong malaman?" tanong ko sa kanya at napansin kong kinuyom niya ang kaliwanag kamay niya at yumuko siya. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Denise dahil sa pabago - bago ng kanyang emosyon simula pa kanina. Simula sa pag-iyak niya ay madaling nagbago ang nasa isip niya. "Naguguluhan kasi ako. Si Genro, pakiramdam ko, may alam si