"Sino ka ba, Denise?" tanong ko sa sarili ko at iniisa - isa ko ang lahat ng nasa journal ko. Hanggang sa nahanap ko ang sa isang pahina ang isang maliit na listahan ng mga taong importante sa akin. Denise Villafuerte. Iyan ang pangalan niya at kasunod pa ang numero nito. Hindi ko pa siya tinatawagan pero naisip kong i-record ang natuklasan ko pati na rin ang tungkol kay Denise tapos ay muli ko ng binura sa voice recorder ito. Alam kong iniiwas ako ni Genro para makausap sila Denise dahil sa nawawalang calling card pero hindi ko alam kung bakit niya ginagawa iyon. Nasagot na rin ang tanong ko kung bakit isang file lang ang nare-record ko dahil ano mismo ang nagbubura nito. Pakiramdam ko talaga ay may tinatago sa akin si Genro dahil sa mga pag-iwas niya sa mga tanong ko habang itong s