HGindi ko na lang tinuloy ang balak kong kausapin siya tungkol sa nakaraan niya dahil nakalipas na iyon at tiyak kong matagal ng nakalimutan ni Genro ang tungkol sa bagay na iyon. "Ano nga pala ang itatanong mo sa akin?" tanong niya habang payapa kaming nakahiga sa kwarto. Binuksan niya ang kanyang bag tapos ay nagsimula siyang magtrabaho. Kahit nandito na sa bahay ay puro trabaho pa rin ang inaatupag niya. "Magtatrabaho ka pa rin?" tanong ko sa kanya at ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Pinanood ko na lang siya habang nagtatrabaho nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang kinuha ang cellphone pantalon niya at tinitigan muna ito bago sinagot. "B-bakit?" tanong niya. "Oo, sasabihin ko." Tumango siya. "Sige, salamat." Nilapag niya ang kanyang cellphone at tumingin sa a