Ilang oras lang ang nakalipas ay pinayagan na akong lumabas ng hospital. Si Denise ang umasikaso para sa lahat ng mga dapat gawin tapos ay hinatid niya ako sa bahay. Nanatili muna ako sa loob ng kotse ni Denise dahil may barikadang kulay dilaw ang nakaharang at may ilang mga ususerang kapit-bahay ang pinagmamasdan ang labas ng bahay namin. Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. "Ayos ka lang ba? Gusto mo samahan kita dito?" tanong niya sa akin pero umiling ako. May mga pulis na rin naman sa loob ng bahay para kuhaan ng ebidensiya ang ilan sa mga gamit namin. Tumango siya at nagpaalam na sa akin. Nasa isang sulok lang ako habang pinapanood ang mga ito na ginagawa ang kanilang trabaho. May maliliit na karatula at numero ang nakasulat. Nakatapat ito sa lugar kung saan nakaupo si