"Itigil niyo yan!" narinig kong sigaw sa labas at nagkaroon ng sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto. Napalingon ako pati ang lalaking nasa harapan ko. Nagkatinginan ang dalawang pulis tapos ang lalaki. Sumenyas ang lalaki sa isang pulis para buksan ang pinto at agad tumalima ang puls at patakbong nagtungo sa akin si Spiel. "Pakawalan niyo siya! Wala siyang kinalaman sa pagtkas ni Roger!" sigaw ni Spiel sa lalaki at hinawakan sa kwelyo ang isang pulis. Hinawakan ng pulis ang mga kamay ni Spiel at pahagis itong itinulak. "Paano mo nsabing wala siyang kasalanan? Anak siya ng pugante!" sigaw ng lalaki at agad tumayo si Spiel saka lumapit sa lalaki. "Paano mo rin nasabing may kinalaman siya sa pagtakas ng kanyang ama?" galit na tanong ni Spiel at nalipat sa akin ang tingin ng lala