Nagkagulo ang lahat dahil sa ginawang argumento ni Papa. Nang sinabi ng hukom na tumahimik ang lahat ay nasunod naman ito. "Mukhang hindi mo n kailangan magsalita, Genro," bulong ko sa kanya. Tumikhim siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko. Nagawang patahimikin ng hukom ang mga tao at nang magsisimula na siyang magsalita para sa pagtatapos ng paglilitis, muling nagkagulo ang lahat. Binuksan ng bantay ang pinto at agad akong tumingin kung ano ang nangyayari sa loob dahil nagkakagulo ang lahat at nakatingin sa isang babaeng kabilang sa mga hurado. Nakahawak sa kanyang dibdib na parang hindi ito makahinga ng sandaling iyon. "Hindi na siya makahinga!" sigw ng isang matandang lalaki na katabi nito. Isa-isa ng umalis ang mga taong nanonood sa kasong iyon at nakita kong may mga lalaking n