Natuloy na rin ang paglipat namin sa bagong bahay dahil may interesadong buyer ang bahay bakasyunan namin. Kasalukuyan na kaming nag-aayos ng mga gamit ng biglang may kumatok. "Iyan na yata ang bibili ng bahay," sabi ni Genro pero dahil abala pa siya sa pagbubuhat ng gamit, nagpresinta na lang ako para humarap sa taong iyon. Laking gulat ko ng pagbukas ko, si Alexander ang bumungad sa akin. Nakangiti pa ito at kumaway. Nakikita ko sa personalidad niya si Ishmael kaya naman magaan ang aking pakiramdam sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya at hindi ko pa masyadong binuksan ang pinto dahil makalat pa sa loob ng bahay. "Diba may hinihintay kayo? Ito na ako," sagot niya at nanglaki ang mga mata ko dahil siya pala ang misteryosong buyer namin. Agad ko siyang pinapasok a