Naramdaman ko ang init ng likidong tumalsik sa aking mukha at pagdilat ko, bukas na ang pinto sa likod at nakita kong tumakas na ang hostage. Tinitigan ko ang ulo ni Stephen at tumutulo pa rin ang dugo galing sa tama ng bari sa kanyang ulo. Padapa akong lumabas sa sasakyan at tinaas ang aking dalawang kamay para sabihan ang mga kasama ko na may malaking problema. Lumapit ang iilan sa akin at tinulungan akong makatayo. "Sino ang nagpaputok!" sigaw ko sa kanila at nang makita kong papalapit sa akin si Spiel at sinuntok ko ang kanyang dibdib. "Bakit nagpaputok kayo!" sigaw ko sa kanya pero nakita kong galit rin siya. "Walang nagpaputok sa amin!" sagot niya sa akin. Nagpaikot-ikot ako sa lugar na iyon para malaman kung may ibang tao pa ba sa amin pero wala akong nakita kahit na anino