"Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka, boyfriend ko na nga ang nagsabi na pwede akong lumabas," sita ko kay Eva ng padabog niyang isara ang pinto ng kotse niya. "Manahimik ka!" sigaw niya sa akin at nagulat ako sa sinabi niyang iyon dahil hindi ko maintindihan ang kinagagalit niya. Mabibigat ang bawat hakbang niya papasok sa loob ng Mall. Hindi pa gano'n kalamig sa loob dahil kakabukas pa lang at ilan sa mg store dito ay nagbubukas pa lang rin. Nagpapalinga-linga ako sa paligid para hanapin si Denise pero wala akong nakita maski ang anino niya. Naisip kong tawagan siya kung saan kami magkikita pero habang kasama ko si Eva ay hindi ko maaaring ipakita sa kanya na ibang cellphone ang gamit ko. "Pupunta muna ako sa cr," pagpapaalam ko kay Eva at mabilis akong nagtungo sa cr na pin