Naramdaman ko ang mahabang byahe namin dahil galing Baguio pa iyon, bigla na lang silang huminto at pwersahan akong tinulak papalabas ng sasakyan. Naramdaman ko na lang ang maliliit na bato ng mapadapa ako pero tinanggal ko agad ang piring sa aking mata at nagtangka pang habulin ang sasakyan nila pero nabigo lang ako. Nang may mapadaan ang isang taxi ay agad ko itong pinara at nagpahatid sa bahay. Pagpasok ko ay halatang tulog na si Genro dahil napansin kong madaling araw na rin. Pagpasok ko sa kwarto ay hindi nga ako nagkamali dahil mahimbing na ang tulog ni Genro. Marahan na lang akong pumasok at kumuha ng masusuot saka naglinis ng aking katawan. Hindi pa rin matanggal sa isip ko ang naging usapan kanina at kung gaano kadelikado ang buhay ni Papa at gano'n na rin sa akin. Nang matapo