Chapter 55

2022 Words

"Paano mo mapapatunayan na isang hospital ang susunod na target ng mga terorista?" tanong ni General Hermosa kay Papa matapos kong sabihin ang suwestiyon ko. "Baka nakakalimutan mo, isa akong pulis noon, General." Pinatong ni Papa ang kanyang mga kamay na may posas at tila nagpapahiwatig na alis iyon. Sinunod naman ni General Hermosa ang gustong mangyari ni Papa at inikot-ikot nito ang kanyang kamay ng matanggap ang posas. "May isang biktima noon ng torture na hanggang ngayon ay comatose pa rin. Ang taong iyon, dating miyembro ng The Serpents at ang dahilan kaya siya nasa ganoong kalagayan ay dahil sinubukan niyang tumiwalag sa grupo," sagot ni Papa sa kanya. "Kung hindi ako nagkakamali, Leticia ang pangalan ng babaeng iyon? Nabasa ko sa isang kaso na hinawakan mo noon ang kaso niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD