NAGING lutang ako nang pumasok sa campus. Hindi ko nga maalis ang aking ngiti dahil sa conversation namin ni Easton. Jusko, nahihiya pa rin talaga ako kapag tinatawag ko siyang Daddy. Namumula ang magkabilang pisngi ko dahil doon. Buti na lamang ay pumayag siyang i-end muna ang video call namin. Pa-lowbattery na talaga itong phone ko. Chinarge ko muna itong phone and saka ko kinuha ang towel sa likod ng pinto. Heto, ang dating k'warto ni Tita Jenny, kaya rito na ako natutulog. Magkasama kami ni Mariel sa iisang room, hindi na sila pwedeng magtabi ni Ariel dahil dalaga at binata na silang dalawa. Bumaba ako sa may first floor ng bahay namin, pumasok sa banyo at naligo. Wala naman kasing banyo sa second floor, tanging dalawang room lamang ang nandoon at wala na. Ang banyo namin ay katabi