WE'RE OFFICIALLY COUPLE. Hindi ko alam pero napasagot niya agad ako. Sa ilang linggo niyang pagsulpot-sulpot sa bahay namin, walang palya kaya maging ang mga pinsan ko ay nakilala na siya bilang manliligaw ko hanggang nahulog na nga ako sa kanya. Napadilat ako ng aking mga mata ng makita ang cellphone kong umiilaw at nag-appear doon ang pangalan ni Mr. East– este Easton. Kaya kahit pumupungay ang aking mga mata ay sinagot ko ang tawag. Hindi ba niya alam na may pasok ako mamayang tanghali, Monday ngayon at kauuwi ko lamang kaninang madaling araw. Bale limang oras pa lang ang tinutulog ko. Sinagot ko ang tawag niya. “Hello...” Husky na boses na sagot ko sa kanya. “Baby...” Parang tumukas ang aking kaluluwa nang marinig ko ang tawag niya sa akin. Simula nang maging kami ay baby na ang