KUMUNOT ang noo ko dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa akin habang banat ang kanyang labi. Napatingin ako sa kanya, maayos ang suot niya at naka-formal attire nga siya. Mukhang hindi siya empleyado rito sa bar. “Sino ka?” tanong ko sa kanya. Nakatitig lamang siya sa akin. “I'm Billiard Hart!” Pagpapakilala niya muli sa akin. “Napanood kita kahapon, Miss Glenda.” Hindi nga siya empleyado rito. Hindi ko inalis ang aking tingin sa kanyang mukha. “Maraming salamat,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kilala. “I'm here because I'm looking for someone. You certainly know what I'm looking for.” mapaglarong sabi niya sa akin. Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Ano ang pinagsasabi ng isang ito, ha? Hindi ko nga siya kilala,