NAKARATING kami ni Toni sa Flavor Of The Month Bar na wala pang alas-kwatro ng hapon. Isang oras lamang din ang tinagal ng aming byahe ay nakarating na kami sa Flavor Of The Month Bar. Pinapasok din kami ng bouncer after i-check ang aming bag. “Ang aaga nilang pumasok? Grabe sila sumunod sa rules ng bar.” Narinig ko ang sinabi ni Toni, habang nakatingin sa kamay niyang bagong manicure yata. Nasa likuran kasi niya ako at nahuhuli akong maglakad. Tinitigan ko kasi ang empleyadong naglilinis na agad sa mismong entablado. “Baka may call time sila, Toni?” Iyon na lamang ang sinabi ko sa kanya at mabilis na rin na naglakad papunta sa aming dressing room area. Nakita ko ang pagkibit-balikat niya. “Who knows?” Iyon lamang ang sinabi niya sa akin at lumakad na ulit. Hindi na lamang ako nagsa