ALASO-OTSO na ng umaga nang magising sina Tina at Ericka. Hindi sana sila magigising kung hindi nila narinig ang sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng inuupahan nilang bahay. Bumangon siya upang tingnan kung sino ang kumakatok sa pinto, pagbukas niya ng pinto nakita niya ang kanyang land lady na may nakabalot pa ng towel ang buho marahil ay kakatapos lang nitong maligo "Magandang umaga po," bati ni Ericka. "Ericka, pasensiya sa abala pero pakisabi sa boyfriend mo na itabi ang pagkakapark ng kotse niya hindi makadaan ang truck ng basura," "Ho?" takang tanong niya. Sinilip niya ang labas at laking gulat niya na naroon pa ang kotse ni Alexandra. Ibig sabihin mula kagabi hindi pa ito umuuwi. "Mahahagip kasi ang kotse niya, pausugin mo ng kaunti," "Sige po," Kumuha ng towel si Ericka