ANIM na buwan ang lumipas mulang nang pumayag si Ericka na maglive-in silang dalawa ni Alexandra, sa loob ng anim na buwan na iyon nakilala nila ang isa't-isa mas madalas silang mag-away kaysa noong magkahiwalay sila ngunit agad naman nilang inaayos agad. Gano'n naman siguro ang relasyon hindi mawawala ang away ngunit sa pag-aaway nilang dalawa may natutunan silang dalawa. Isang linggo pa bago sumapit ang anniversary nila ay naghanap na siya ng magandang ireregalo kay Alexandra. Nang magkaroon siya ng rest day pumunta sila ng mall upang bumili ng regalo, isama pa niya si Aya para makapili siya. "Okay, na ba 'to?" tanong niya kay Aya. Bumili kasi siya ng wrist watch para kay Alexandra. Tiningnan ni Aya ang relong hawak ko. "Oo naman, ang mahal masyado e,"sagot ni Aya. "Sige, bibilhin k