"Good morning, Ate!" bati ni Alexandra sa kanyang kapatid nang magising siya. Nasa kusina ang kanyang kapatid habang kumakain ng almusal. Kumuha siya ng plato at pagkatapos at hinila niya ang upuan at pagkatapos ay tumabi siya sa kapatid niyang kumakain. "Tulog pa si Ericka?" tanong nito. Tumango si Alexandra. "Wala ka ba'ng pasok?" tanong niya. "Wala rest day ko, kayong dalawa wala ba'ng pasok?" balik nitong tanong. "Naka-leave kaming dalawa ngayon sa trabaho." Pagkatapos muli niyang pinagpatuloy ang pagkain ng almusal. "Nakilala mo na ba ang magulang ni Ericka?"tanong ng kanyang kapatid. Umiling siya. "Malayo daw ang lugar nila." "Baka mamaya matulad 'yan sa mga nauna mo'ng girlfriend," Natigilan si Alexandra. Ang binabanggit ng kanyang kapatid ay 'yung girlfriend niya noon, is