"Ano'ng iniiyak-iyak mo diyan? Naiinis na ako sa ka-dramahan mo!" inis na sabi ni Aya sa kanya. Nang lumayas siya sa apartment ni Alexandra. Tumuloy siya sa kaibigan niyang si Aya. Wala kasi siyang ibang matutuluyan na malapit. Halos maubos na nga ang luha niya dahil sa kakaiyak. Masakit sa kanya ang paghihiwalay nilang dalawa ni Alexandra. "Ang sakit-sakit, Aya, dahil lang doon iiwan na niya ako," sabay punas niya ng luha. Nagpahid ng liptint si Aya habang nakaharap sa salamin. "Alam mo girl, lahat naman tayo gustong makilala ang pamilya ng ka-relasyon natin, part 'yon ng getting to know each other. Ganern! Mas lalo na tayong mga babae mas gusto natin na ipinapakilala sa pamilya. Malay mo ba kung may asawa 'yon or girlfriend 'diba?" "Pero wala naman akong iba siya lang," "Iyon nga an