Hindi mapigilang hindi tumulo ang luha ni Ericka habang pinagmamasdan ang anak niyang si Lucas na karga-karga ng Nanay niya. Kung magkakaroon siya ng sakit paano ang kanyang anak. Hindi na niya ito makikitang lumaki. "Ericka, timplahan mo ng gatas si Lucas," ani Nanay niya. Mabilis niyang pinahid ang luha niya at tumayo siya bago upang magtimpla ng gatas ni Lucas. Hanggat maari ayaw niyang ipaalam sa magulang niya ang bumabagabang sa kanya dahil ayaw niyang malaman nito ang totoo. Natatakot siyang magalit at itakwil siya ng mga ito. Ayaw niyang madamay ang anak niya. "Tulog na si Lucas," Bigla niyang pinunasan ang luha niya nang makita niya ang hipag niyang si Roselyn. "Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya Sinundan kita rito dahil nakita kitang umiiyak habang pinagmamasdan mo ang an