DALAWANG BUWAN na ang lumipas nang bumalik si Ericka sa kanilang probinsiya. Sa loob ng dalawang buwan hindi na 'yon hindi na siya muling ginulo ni Lino kahit na nga hindi na siya bina-block sa social media ni Ericka. Hindi na rin nakikita ni Ericka na online si Lino. Hindi na pinagkakait ni Ericka na makita nito ang anak nilang dalawa dahil sa tuwing may bagong picture ng anak nila ay agad niyang pina-post sa social media account niya nang sa gano'n ay makita ni Lino ang anak nila kahit sa larawan. "Baby Lucas, may regalo sa'yo ang mangandang Mama Ninang mo," kausap ni Tina sa baby na si Lino. Sumasagot naman ito sa pamamagitang ng pag-ungol habang ang kamay nito ay hawak-hawak ang pacifier. Tuwang-tuwa si Lucas habang nakikipag-usap sa ninang niyang si Tina na para akala mo'y nagkakain