Nagising si Ericka nang maramdaman niya ang mabigat sa hita niya nang lingunin niya ay nakita niya si Alexandra na mahimbing na natutulog. Napahawak siya sa ulo niya dahil naramdaman niya ang sakit dahil sa alak na nainom niya kagabi. Hindi na nakauwi si Alexandra dahil na rin sa kalasingan kaya dito na lang niya pinatulog. Nagtungo siya sa banyo upang maligo at magtoothbrush pagkatapos niyang gawin ang daily routine niya ay nagluto siya ng almusal nilang dalawa. Ngayon na lang ulit siya nagluto pagkatapos ng tatlong buwan. Madalas kasing bumibili na lang siya sa karinderia. Nagluto siya ng pritong hotdog at pritong manok. Imbes na kape ang iinumin nila bumili siya ng softdrink upang mabawasan ang sakit ng ulo nila. "Good morning, Baby." bati ni Alexandra nang magising ito. "Good morni