Abala si Ericka sa pagtitipa sa kanyang cellphone habang ka-text niya ang bestfriend niyang si Tina. Sembreak na kasi niya kaya naman ay nangungulit na ito sa kanya. Simula kasi nang mag-aral ito naging madalang na itong magtext sa kanya. Hindi niya tuloy tinigilan sa pakikipagtext dito. Tina: Bruha, wala ka ba'ng pasok sa trabaho? Me: Meron mamaya pa naman, gusto mo ba'ng magbakasyon dito?" Tina: Basta libre mo ako ng pamasahe at bibigyan mo ako ng pera. hahaha!" Me: Oo, basta paglilinis at pagluluto mo ako. Tina: Tang ina gagawin mo pala akong katulong diyan. Me: Punta ka na rito, miss na kita, e. Tina: Luh, crush na niya ako. yiee! Me: Gagu! huwag na nga kung ayaw mo! Tina: Hahaha! sige, Go na ako." sagot niya. Me: Sunduin kita sa friday. Tina: Sige, mag-aayos na ako ng gamit