MAAGANG nagising si Ericka upang paghandaan ang araw na ito. Ngayon kasi nila ipagdidiwang ang araw ng kanilang monthsary. Hindi kasi nila nai-celebrate dahil nakalimutan niya. Bagama't hindi sila nakapagdate bumawi naman siya sa surprise niya kay Alexandra. Naghanap siya ng damit na isusuot niya sa date nilang dalawa hanggang sa napili niya ang off shoulder dress na kailan lang niya binili. Inilabas niya iyon sa cabinet pagkatapos ay nagpa-manicure at pedicure siya pagkatapos ay bahagya niyang kinulot ang buhok niya. Ngayon lang siya nag-paganda ng husto dahil sa date nilang dalawa. "Hi, Baby!" sabay halik sa kanya ni Alexandra nang dumating ito ng bahay. "Hindi ka nag-text sa'kin na maaga kang darating," aniya. "Naisip ko kasing mas maaga mas mahaba ang oras nating dalawa na magkasa