"Uy payday ngayon, makakatikim kami ng libre sa bagong regular, " wika ni Aya. Siniko pa niya si Ericka habang nag-aayos sila ng mga gamit nila. Sila kasi ang closing na shift kaya naman gabi na sila makaka-uwi. "Wala ng bukas ng fast-food chain, opening naman tayo bukas." birong sagot ni Ericka. Noong isang linggo kasi pinirmahan na niya ang regularization niya. Bagamat mas maaga niyang nalaman ito dahil sa bago nilang supervisor ay natuwa pa rin siya nang mahawakan niya ang katibayan na regular na siya. Plano lang niyang mag-ipon ng pera pagkatapos ay pagsasabayin na niya ang pag-aaral at pata-trabaho. "Anong wala 24 hours silang bukas. Libre ka naman diyan kahit burger lang," ani Aya. Pangiti-ngiti si Ericka rito, ang totoo kasi ay balak na niyang ilibre ito sinasadya lang niyang in