ANIM na buwan ang lumipas nang bumalik si Tina sa probinsiya nila para mag-aral ng kolehiyo. Si Ericka naman ay hindi tinanggal sa pinasukan niyang trabaho noon dahil na rin siguro kay Fat. Ngunit nang tawagan siya ng in-apply-an sa mall ay agad niya iyon tinanggap at nag-resign siya sa dati niyang trabaho. Nararamdaman kasi niyang nahuhulog ang loob niya kay Fat kaya para makalayo ay nag-resign siya pagkatapos lumipat siya ng boarding house para malakalayo sa mga ito. Ayaw kasi din niyang makigulo sa kanila kaya mas maganda kung iiwas na lang. "Mukhang uulan pa yata," sambit niya. Nagmadali siyang maglakad patungo sa hintayan ng tricycle upang agad siyang makarating sa pinapasukan niyang Mall na malapit sa inuupahan niyang apartment. Isa siyang cashier sa brand clothes na nasa loob ng m