HONEYMOON, sa wakas natuloy din. Hindi na yata nagsasara ang bibig ni Gray hamm, napaka lapad ng mga ngiti niya. Pinalipas muna nila ang paglilihi ni Ciarrah, ngayon ay anim na buwan na ang anak nila sa tiyan ng asawa. Natupad din ang kahilingan na lalaki ang unang anak nila. Ngayo'y naririto sila sa Hawaii, sa mismong resort ni Tita Kyla. At kahit ilang araw pa lang na pananatili nila doon. Makikita ang kakaibang sigla ni Ciarrah. Tama siguro ang mga naririnig nila na ang hangin sa dagat ay maganda sa katawan. “Kung pwede lang gawin ko na quadruplets ang anak natin. Upang hindi ka na mahirapan sa susunod.” nagbibiro nasambit ni Gray hamm. “Kung sakali ba hindi mo na ako bubuntisin ulit?” nakangiting tanong ni Ciarrah. “Yeah, tama na sa akin ang apat na anak, kaysa naman nahihirapan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books