PAGKATAPOS ng kasal ni Blackie, sinimulan na ang preparasyon sa nalalapit na kasal ni Gray hamm at Ciarrah. Dalawang buwan mula ang araw na yon ay sila naman ng dalaga ang ikakasal. At habang nagsisimula sila sa preparasyon abala din si Remo ll, sa pagpapahirap sa babae. Torture ang inabot nito nang ayaw magsalita. Kung sino ang nag utos dito na manggulo sa relasyon nila ni Ciarrah. “Bibigyan kita ng huling pagkakataon, sino ang nag-utos sayo!” sabay kasa ng baril ni Remo ll, tinutok niya sa ulo ng babae. “Kapag hindi ka pa nagsalita sa loob ng sampung segundo kakalabitin ko ito!” bago nagsimula ng magbilang si Remo ll. “S-Si Alfred, binayaran niya ako ng malaking halaga.” matindi ang takot na sagot ng nanginginig na babae. Malakas na hinila ni Remo ll, ang buhok ng babae. Pagkatapos a