NAKAYAKAP lang si Roseanne sa kanyang ina. Kahit nais niya iwan ang lungsod at tuluyan ng mag pakalayo layo. Hindi niya kayang iwanan ang kanyang ina sa ganitong sitwasyon. Isa pa may kakaibang kilos ang kanyang lolo. Kung anuman ang plano nito ay hindi niya alam. Sa ngayon ipauubaya na lang muna sa kanyang lolo ang lahat. “Anak, bakit nagkaganyan ang iyong mukha?” “N-Nagkaroon po ng damage ang mukha ko dahil sa isang a-aksidente. Kailangan i-plastic surgery at si Lolo na rin po ang nag request sa mga doktor na maging perpekto ang pagkakagawa.” “Tuluyan ng nawala ang tunay mong mukha. Ganun pa man ay nagpapasalamat ako sa Diyos na nakaalis ka sa puder ni Ver.” “Opo mama, mabuti rin nahanap ako ni Lolo.” kahit nais niyang magsabi ng totoo sa kanyang ina ay hindi niya magawa. Sigurado