TINAWAGAN siya ni Jags, naghihintay daw sa library ang mga dokumento na kailangan niya. Agad na bumaba si Roseanne hindi na siya makapaghintay na mapunta sa kamay ang dokumento. Once na mahawakan niya mga iyon agad na gagawan ng aksyon. Lahat ng ninakaw sa kanyang mama ni Tita Ver ay babawiin niya. Pagdating sa pintuan ng library ay nagtaka pa siya. Kung bakit si Matteo ang naroroon. Sinalubong pa siya nito at bigla na lang niyakap. Tinulak niya ito ngunit hindi siya binibitawan. “Matteo bitaw nga! Si Mattias ang kakausapin ko hindi ikaw! Kaya pwede ba iyong alisin ang mga braso mo sa aking katawan!” naiinis na talaga siya dito sa lalaking ito. “Wifey, naririto ang kailangan mo.” inabot agad sa kanya nito ang dokumento. At mabilis niya yon binasa.” “Original ba ang mga ito?” “Yeah, l