MAGMULA ng magkita sila ni Misha sa mall lagi na itong tumatawag sa numero niya. Kaya ang ginawa kanyang nilagay sa blocklist ang numero ng dating kaibigan. Ganun din ang numero ni Matteo, sapagkata alam niya na kukulitin siya ni Misha Mae tawagan. Bumaba siya at hinanap si Mr. Jags, may lakad siya at kailangan niya ng bodyguard. Kung totoo ang mga narinig niya noon sa bibig ni Mr. Mattias. Kailangan mag double ingat siya upang masiguro ang kaligtasan. “Saan tayo pupunta, Ms. Angelica?” formal na tanong sa kanya ni Jags. “Sa dati naming bahay.” “Anong gagawin mo doon, alam mong doon nakatira si Madam Ver at Anak nito?” “Bahay namin yon at si Mama ang bumili, kaya ako ang may karapatan hindi ang mag-ina na yon.” “Ikaw ang bahala, pero mag-ingat ka baka ito lang ang pagkakataon hini