THE BILLIONAIRE’S DECEPTION, ABEL (GrayHamm) MONTEMAYOR TEASER; “Pak!” malakas ang sampal na inabot ni Gray hamm. Mula sa babaeng nakasuot ng mataas na takong. Dahil muntik na itong natumba nang nasagi niya sa harapan ng elevator. Ang mga tao ay nagulat lalo pa at minura pa siya nito. “Hindi mo ako nakita sa tangkad kong ito?” galit nitong sigaw sa kanya. Akmang sasagot ang kanyang bodyguard ng senyasan niya itong tumahimik. “Miss, pasensya na nagmamadali ako kaya hindi kita agad napansin.” pakumbaba ni Gray hamm. “Hindi ko tinatanggap ang salitang yan! Isa pa anong ginagawa mo dito sa executive building? Siguro magnanakaw ka ano, guard!” malakas na sigaw ng babae. At agad natanaw ni Gray hamm ang tumatakbong dalawang guwardiya.” “Ma’am Montesa, ano po ang ipag uutos mo?” “Sinong