KAUSAP ni Blackie ang dalawang kapatid. Tungkol sa babaeng gumawa ng eksena sa event. At tama ang hinala niya napagkamalan siya na si Gray hamm. Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo ang kapatid na wala itong atraso sa babaeng yon. Ganun pa man sinang-ayunan na lang niya ito. “Hindi ka dapat nakikipag pustahan sa isang tropa. Lalo na at may motibo sila sa babae. Ngayon paano kung makita ka niya? Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ng isang babae. Madali silang gumawa ng drama magantihan ka lang.” aniya pa sa bunsong kapatid. “Salamat sa inyong dalawa, pero huwag ninyo akong alalahanin. Hindi ako basta maiisahan ang babaeng yon.” “Bakit hindi mo na lang siya kausapin. Mahirap na baka malaman pa ni Mommy ang tungkol sa babaeng yon. Mas malaking gulo. Kilala natin lahat kung ano ang