SUMALUBONG sa kanya si Manang ng dumating siya. Hinatid pa sya nito sa kanyang silid. Pagpasok niya ay malinis na malinis ang kwarto. Naglakad siya patungo sa private room, wala ng lahat doon ang gamit ni Matteo. “Kailan umalis si Matteo?” “Dalawang araw mula ng umalis ka.” “Anong sabi niya?” “Wala naman nagpaalam lang siya ng araw na umalis.” “I see, salamat po, Manang.” “Kung may ipapagawa ka o nais kainin sabihin mo lang sa akin.” “Opo, salamat uli paki-sarado na lang ang pinto paglabas mo.” “Sige, Senorita Roseanne.” umalis na si Manang, siya ay mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Nais niyang magbabad sa jacuzzi. Habang nakatapat sa shower pumasok sa isipan ang pag-alis ni Matteo. Ano kaya ang naging reaksyon ng asawa nang araw na umalis siya? Nagalit kaya at hinanap siya?