SA araw-araw si Arvin, ang driver bodyguard niya ang laging umaalalay sa kanya. Maraming beses din niyang napagalitan ito dahil laging tumututol sa mga nais na gawin. Ganun pa man hindi ito umalis sa tabi niya. Paminsan minsan nasisigawan din ito pero lagi pa rin nakangiti sa kanya. “Pasensya na kanina kung napagtaasan kita ng boses. Sa totoo lang naiinip na ako sa ginagawa natin. Kaya lang hindi ako pwedeng tumigil. Marami din pagkakataon na gusto ko ng sumuko dahil sa hirap. Pero kapag naiisip ko si Roseanne, dapat ako ang protector niya. Lumalakas ang loob ko na makayanan ang lahat ng ‘to.” “Boss, kalimutan mo na yon, balewala sa akin ang mga yon. Isa pa normal lang yon dahil tauhan mo ako. Kaya anuman ang nasasabi o nabibitawan mong salita ay wala sa akin yon. Hindi ko lang talaga