KINABUKASAN masakit ang lahat kay Ciarrah. Para siyang binugbog at nagka bali bali ang mga buto. Gusto niyang bumangon pero hindi magawang igalaw ang magkabilang paa. Ganun din ang likuran at baywang. Ano ba itong ginawa sa kanyang katawan ni Gray hamm? Lumingon siya sa kanyang tabi at masarap pa rin ang tulog ng binata. Pero teka bakit parang kahit tulog ay nakangiti o baka naman gising na ito at tinatawanan lamang siya. Kanina pa siya alumpihit sa pagkakahiga. Nais niyang magtungo sa banyo ngunit paano niya yon gagawin kung ganito ang kanyang sitwasyon. “Gray hamm, kung gising ka na pwede mo ba akong tulungan bumangon dito?” makirot ang gitna niya lalo na kapag gumagalaw siya. Unti-unting nagmulat ng mga mata ang binata. Bago ngumiti pa sa kanya ang loko at niyakap siya. “Good morning