MAY napapansin si Ciarrah, sa tuwina kapag may nakasalubong silang kapwa empleyado. Nagyuyuko ng ulo ang mga ito at hindi sumasabay sa kanila sa elevator. Samantala dati siksikan pa sa loob ng elevator. At ang ingay ng mga ito o baka naman natakot na dahil sa nangyari kay Rachelle at Alfred. Pero bakit ang mga kilala niya ay hindi na rin masyadong bumabati sa kanya. Ano ba talaga ang nangyayari sa paligid? “May alam ka ba sa mga nangyayari?” tanong ni Ciarrah. “Tungkol saan, sweethearts?” pag maang maangan ni Gray hamm. Kahit ang totoo ay alam naman niya ang totoo. “Parang laging umiiwas sa atin ang lahat ng mga empleyado. Tapos naging tahimik na sila at hindi ka na rin nila binubully.” “Wala naman akong masyadong napapansin sa kanila. At saka mas mabuti nga yon upang pareho tayong m