SA ngayon ay naririto sila sa mansyon Montejo. Paninindigan ni Matteo na bihira lang itong umuwi. At pabor kay Roseanne, mas nakakakilos siya ng maayos kapag wala sa paligid ang asawa. Isang gabi ay naulinigan niya sa pasilyo ang mga yabag. Nang mga oras na yon ay hindi pa natutulog si Roseanne. Nakikiramdam siya kung sino ang dumating. Sumilip pa siya sa peephole at nakita niya ang likuran ni Matteo. Nakatayo ito sa harapan ng silid niya. Tumagal ng ilang minuto na pareho silang nakatayo sa magkabilang side. Hanggang naglakad palayo ang asawa. Bumalik na siya sa sofa at naupo habang nakatingin sa panggabing tv show. Pero hindi nagtagal nawala na siya sa focus. Kaya sinara ang tv at nagtungo na sa loob ng kanyang silid. Hindi pa rin siya dalawin ng antok kahit almost eleven na ng gab