HINDI pinapansin si Princess Misha Mae ng kanyang kaibigan. Kahit salita siya nang salita ay tatalikdan lang siya nito. Kaya mabilis nag-isip ng ibang sasabihin. At kahit ayaw niyang gamitin ang salitang pumasok sa isipan ay wala siyang pagpilian.
“Alam kong nasaktan ka ng sobra sa ginawa ko noon. Ganun din kung paano ka sinaktan ni Mommy at ng kapatid ko. Pero naisip mo ba kahit minsan na noon okay pa tayo. Siguro naman may nagawa din akong tama o kabutihan sayo?”
“Huwag mong isumbat sa akin kung ano ang mga nagawa mong tulong sa akin. Dahil pinaghirapan ko yon makuha. At yung ibang mga nagawa mo pang tulong sa financial nabayaran ko na yon sa inyo ng pamilya mo. Siguro naman ngayon bayad na ako kaya wala ng dahilan pa upang magkaroon tayo ng komunikasyon.”
“Hindi ka man lang ba naawa sa kapatid ko. Magmula ng namatay si Lolo, laging laman siya ng ospital. Pagkatapos ngayon may taong nagpapanggap na ikaw. Hahayaan mo ba na sirain ng babaeng yon ang pagkatao mo?”
“Matagal ng nawasak ang sinasabi mong pagkatao ko. Kayo mismo ng pamilya mo ang sumira non.”
“Anong dapat kong gawin upang bumalik tayo sa dati at tuluyan gumaling si Kuya Matteo?”
“Simple lang, patahimikin mo ako at mangyayari lang yon kapag tinantanan nyo ako!”
“Kung yon pala ang nais mo bakit dito ka sa isla na ‘to nagtungo?” sa dami ng isla na maaari mong puntahan dito pa talaga?”
“Labas ako kung anuman ang meron sa inyo ng may ari nito. Hindi ko siya kilala at nagkataon lang na open ang isla niya sa mga taong naghahanap ng katahimikan. Umalis ka na dahil wala kang mapapala sa akin. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng pinagdaanan ko dahil sa kagagawan nyo!”
“Please, bestfriend maawa ka sa kapatid ko. Kahit anong naisin mo ay ibibigay ko sayo at anumang utos mo ay susundin ko. Please, ikaw lang ang kailangan ni Kuya Matteo.” tinalikuran niya si Princess Misha Mae.
“Ang mga kompanya ng lolo mo, hahayaan mong kunin ng babaeng yon?” napahinto siya sa narinig, bago nagpatuloy sa paglalakad.
“...mahina na ang iyong lolo, at kapag hindi ka pa gumalaw baka mawala lahat ng pinaghirapan niya. Papayag ka ba na isang babaeng impostor ang siyang magging owner ng buong asset ng mga Montejo?” naikuyom niya ang magkabilang kamay bago tuluyan iniwan si Princess Misha Mae.
ILANG araw na ang lumipas at hindi mawala sa isipan ni Angelica ang mga sinabi ni Misha tungkol sa abuelo.
Kaya nagpasya siyang puntahan ito. Tinawagan ang personal bodyguard at Attorney ng abuelo pagkatapos ay nakipag kita siya sa mga ito. Noong una ayaw siyang paniwalaan pero bandang huli ay pumayag na magkita sila.
“Anong nangyari sayo, senyorita Angelica?”
“Kagaya ng iniwan kong sulat kay lolo ng araw na umalis ako ng mansyon. Hindi ko kayang mabuhay sa magulong mundo. Lalo pa at halos lahat ng mga taong nakakakilala kay lolo alam ang mga pinagdaanan ko. Pero ngayon may karamdaman siya hindi ko pa rin siya magawang tiisin.”
“Anong plano mo ngayon kakaiba ang mga kilos ng Roseanne na nasa mansyon?”
“Sabihin mo kay lolo mag patawag ng conference. Sa araw na yon ay darating ako.”
“Mag-ingat ka dahil may duda ako na hindi lang ang babaeng yon ang naghahangad sa Montejo Empire.”
“I know, pero may nais akong gawin.” aniya.
“Ano yon sabihin mo.”
“Maaari ba makapasok ako sa mansyon ng walang nakakaalam maliban sa inyong dalawa. May kailangan lang akong kunin upang masigrung safe ang bagay na yon.”
“Ako na ang bahala tatawagan agad kita kapag pwede ka ng pumasok sa mansyon.” ani ni Kuya Louie
“Salamat, Kuya Louie, ahm… may request ako. Bantayan nyong mabuti ang mga kinakain ni Lolo.”
“Sa bagay na yon ay safe ang ang chairman. Magmula ng may nag-email sa akin tungkol sa babaeng yon. Nagkaroon agad ako ng idea kaya sinabihan ko ang mga kasambahay at mga bodyguard ng lolo mo.”
“Salamat, Attorney.”
“Walang anuman, Senorita Angelica.”
Hindi nagtagal ang pag-uusap nila at agad siyang nagpaalam. Pumasok sa loob ng rest room at nang lumabas ay mukhang lalaki na naman siya.
Kagaya ng napag-usapan nila nasa malapit lang siya. At sa araw ng conference ay darating siya.
One week later…
“Huwag mong kapalan ang make up ko. Nakita mo naman na ang itim ko baka mag mukha akong clown.” biro niya sa make up artist niya.
“Ang ganda nga ng kulay mo ngayon, Senorita Angelica. Bagay pala sayo ang morena, tapos ang kinis pa ng iyong balat. Sigurado maraming lalaking mapapalingon sayo.”
“Lokaret, bilisan mo na at baka dumating na si Kuya Louie, nakakahiyang paghihintayin ko siya.”
“Opo, Senorita Angelica, heto patapos na tayo.”
Nang matapos ay iniwan na siya ng make up artist. Isang pearl suit ang suot niya ng lumabas. Naghihintay ang sampung bodyguard sa kanya.
“Ready ka na, Ms. Angelica?” bahagyang nakangiti si Kuya Louie bago pinasadahan ng tingin ang suot niya.
“Beautiful and elegant.” papuri nito sa kanya na ikinangiti niya.
Nang nakaupo na siya sa tabi nito ay may inabot sa kanya. Isuot mo yan, pagmamay-ari ng iyong abuela. Ang sabi ng lolo mo sinuman makakakita niyan automatically magyuyuko ng ulo sayo.
“Tinanggap niya ang isang set ng white platinum at sinuot iyon. Kahit malayo pa lamang ay kumikinang na yon.
“Ms. Angelica, anuman ang sasabihin ng mga tao. Huwag kang magpapa apekto. Lalo na ang impostora na yon, sigurado ba baliktarin niya ang pangyayari. At ikaw ang palalabasin na fake. Kayaan mo lang siya hawak natin ang kumpletong papeles na ikaw ang lehitimo at hindi siya.”
“Salamat , Kuya Louie, huwag ka rin mag-alala hindi na ako ang Roseanne na mahina at walang kakayahang lumaban. This time ipapakita ko kung sino ako at ano ang kaya kong gawin.
Pagdating nila sa company nakilala niya isang lalaking nakatayo sa may entrance at tila may hinihintay. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
“Kilala mo ang matangkad na lalaking yon, Kuya Louie?”
“Oo, isa siya sa mga shareholders ng company ng lolo mo.”
“Anong full name niya?”
“Cyn Del Fierro, ang panganay na anak ni Don Felipe ll Del Fierro. May kapatid siyang babae, si Attorney Florida Del Fierro.”
“I see, talagang mayaman pala ang lalaking yan.”
“Bakit nag meet na kayong dalawa?”
“Siya ang may ari ng isla na napuntahan ko. Kaya pala kilala niya si Princess Misha Mae Montemayor dahil pareho silang nasa business world.”
“I see.” nang huminto ang sasakyan nila ay hindi na siya naghintay na pag buksan ng pinto. Mabilis siyang bumaba at agad na nagka salubong ang mga mata nila ni Captain. Makikita ang pag tataka sa mukha nito ng makitang itsura niya.
“Hi, Captain, narito ka rin pala.”
“Oh, yeah, may conference akong pupuntahan sa building na ito.”
“Paano mauna na kami sayo?”
“S-Sige tomboy… sorry, ahm… anong pangalan mo yung real name ah!” natawa siya sa paraan ng pananalita nito.
“Angelica ang pangalan ko, captain. Sige maiwan na kita.”
“Yeah, narito na rin ang hinihintay ko.” bahagya siyang lumingon, isang magandang babae ang lumapit kay captain at humalik sa pisngi nito. Siguro girlfriend nito.
“Senorita Angelica, dito tayo sa private elevator dumaan.” ani ni Kuya Louie.
“Okay!” nakangiti siyang humakbang kaagapay ni Kuya Louie. Pagpasok nila sa loob ng elevator ay agad na tumayo sa harapan niya ang ilan sa mga bodyguard.
Seconds lang nasa chairman office na agad sila. Nang makita ang abuelo ay tumakbo siya dito at yumakap. Hindi niya napigilan mapaluha ng makita ito.
“Apo, kumusta ang buhay mo sa probinsya?”
“Ayos lamang po, lolo. Ikaw kumusta ka po hindi ka ba nagkakasakit?”
“Aba hindi! Heto at malakas pa ako.” malawak ang ngiti nito tulad ng dati ay parang walang pinag babago.
“Sorry po lolo kung umalis ako na hindi nag paalam sayo.”
“Huwag mo na yon isipin, ang mahalaga naririto ka na ulit. Ano ready na ba apo?
“Opo lolo, handa na akong humarap sa kanila.” wika niya sa abuelo na ikina ngiti pa lalo nito.
“Kung ganun ay tayo na.”
nakahawak siya sa braso ng abuelo habang naglalakad sila. Panay ang pagpapatawa nito sa kanya na alam niyang ginagawa nito upang mawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Lahat ng madaanan nilang empleyado ay nakayuko ang ulo sa kanila. Maya maya ay huminto ang abuelo sa paglalakad kaya napilitan siyang tumigil sa paghakbang. Yon naman pala ay bibistahan lang ang kabuuan niya.
“Kamukha ka talaga ng lola mo noong kabataan niya ay siyang siya ikaw. Hindi ko makakalimutan ng araw na ibigay ko sa kanya ang set platinum na yan. Sobrang napakasaya niya, ang pagkakaiba lang ninyo ay mas matangkad ka sa lola mo.”
“Na miss mo ba si Lola?”
“Yeah, napakabait at mapagmahal ang iyong abuela. Dangan nga lang at maaga siyang kinuha ng Diyos. Pero alam ko hinihintay pa rin niya ako sa kabilang buhay.”
“Ang swerte mo po lolo, bihira na raw sa panahon ngayon ang tunay na nagmamahal. Karamihan puro pagkukunwari dahil ang totoo ang yaman lang ang habol ng iba.
“Kaya ikaw, humanap ka ng lalaking mamahalin ka ng tapat at hindi lang yaman ang habol sayo.”
“Walang lalaking magmamahal pa sa akin ng totoo, lolo. Lalo na kapag nalaman nilang hindi na ako malinis. Saka wala din naman akong plano na mag-asawa.”
“Aba hindi pwede apo, kailangan magkaroon ka ng mga anak na siyang mag-manage sa mga negosyo natin pagsapit ng tamang panahon.”
“Saka na natin pag-usapan ang tungkol doon lolo. Ang unahin natin ngayon ilagay sa tama nag lahat.”
“Salamat apo, ngayon pwede na akong mamahinga.”
“Huwag mong sabihin yon, lolo. Dapat bago mo ako iwanan ay magaling na akong magpatakbo ng mga negosyong iiwanan mo.”
“Syempre naman apo, bago kita iwan yung alam ko na kayang kaya mo na ang lahat ng pasikot-sikot sa paghawak ng company.”
Muli silang nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod ang napakaraming bodyguard.
Pagdating sa pintuan ng conference room ay muling huminto ang abuelo. Humarap ito sa kanya at inayos ang kanyang suot na kwintas. Ganun din ang hikaw at singsing.
“Good luck apo, it’s time na makilala na nila ang susunod na chairwoman.” nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Nagsimula na rin mamawis ang kanyang mga kamay.
“Relax apo, naririto lang ako a likuran mo lahat ng gagawin mo ay nakasuporta ako, cheer up.”
“Salamat po lolo.”
Nang bumukas ang malaking pinto ng conference room tumutok lahat ng mga mata sa kanila. Nagtataka at palipat lipat ang tingin sa babaeng nakaupo sa tabi ng upuan ng kanyang lolo at sa kanya.
Pagkagulat din ang larawan sa mukha ni Captain. Siguro hindi makapaniwala na isang tomboy na mangingisda ay isang heredera.
Taas noo niyang sinulyapan ang babaeng kapareho ng kanyang mukha. Namutla ito sa pagkagulat at hindi agad magawang kumilos.