NAKAMASID lang si Matteo kay Roseanne habang masarap ang tulog nito. Magmula ng dumating ito ay malaki ang pinagbago ng buhay niya. Unti-unit rin bumalik sa normal ang lahat sa kanya. Kaya naman lahat ng naisin o nakakapagpasaya dito ay kanyang binibigay.
Ngunit may nagbago sa loob ng mansyon. Bihira na niyang makita ang ina at ama ganun din ang mga kapatid. Ang dahilan ng mga ito ay busy sa trabaho.
May napapansin din siya kapag wala si Roseanne ay laging nasa tabi niya ang buong pamilya. Ang ama at ina lagi siyang kinukumusta. Ang kakambal at si Princess Misha Mae, laging may dalang paborito niyang mga pagkain.
Kapag naroon si Roseanne, walang isa man ang na pasok sa silid niya o lumalapit sa kanya. Gusto niyang isipin na binigyan lang sila ng privacy. Pero bakit ganun parang may kakaiba na hindi niya mabigyan ng tamang kahulugan.
“Sweety, aalis ka na pero hindi ka man lang nagpaalam sa parents ko?”
“Bakit ko gagawin yon ay ayaw naman nila sa akin. Pakikitunguhan lamang nila ako ng mabuti kapag kaharap ka.”
“Hindi ganyan ang mga magulang ko mabait sila, sweety.”
“Akala mo lang yon, kapag ako lang ang kaharap nila kulang na lang patayin ako ng mommy mo!”
“Sweety!” lumaki ang boses ni Matteo, hindi niya nagustuhan ang salitang binitawan nito tungkol sa kanyang ina.
“Alam mo wala kang alam sa paligid mo dahil nasanay ka na nasa iyo ang atensyon nilang lahat. Kung titingnan mo lang o pakikinggan ang mga binibitawan nilang salita sa akin. Baka ikaw mismo magalit sa kanilang lahat!” unang beses na nakaramdam siya ng disgusto sa mga sinabi ni Roseanne. Ganun pa man ay hindi na niya isinatinig pa.
“Mag-ingat ka sa pag-uwi kung bakit ayaw mong magpa hatid sa driver ko, huh!” nagtatampo niyang pahayag sa girlfriend.
“Alam mong ayaw ko kundi lang din ikaw nag maghahatid sa akin.”
“May mahalaga akong gagawin sweety, kaya hindi kita maihatid ngayon. But promise babawi ako sa susunod.”
“Pangako mo yan ah!” nakanguso nitong sagot sa kanya. Natawa na lamang siya kapag ganito na ang itsura ni Roseanne.
Matapos kintalan ng halik ay naglalakad na sila palabas ng main door.
“Isang white sports car ang huminto sa tinatayuan nila. Bumukas ang bintana at bumati ang nakangiting kapatid na si Princess Misha Mae.
“Get in!” wika ni Princess Misha Mae kay Roseanne. At parang ayaw pa nitong sumakay. “Iisa lang tayo ng way kaya sumabay ka na sa akin.” nakangiti pa rin wika niya at mabuti ay sumakay na ito.
“Bye, Kuya Matteo.” kumaway pa siya sa kapatid.
“Ingat kayo sa daan lalo ang pagmamaneho mo, Princess Misha Mae.”
“Yes, Kuya Matteo, lagi akong nag-iingat.” pagkatapos ay sinara na niya nag bintana. Pinasibad ang sasakyan palabas ng mansyon.
“Kumusta ang buhay reyna sa piling ng kapatid ko mayasa ba?” ani Princess Misha Mae, habang diretso lang ang tingin sa daan.
“Yeah, he loves me and I love him. Kaya masaya kaming dalawa.”
“Good! At least naging maayos na ang kalagayan ni Kuya Matteo. Pero mag-ingat ka na hindi mabuking, ibang magalit ang kapatid kong yon. Kaya niyang pumatay ng tao lalo at niloloko lamang siya.” nakangiti pa rin saad niya kay Roseanne.
Ganun pa man ay lihim itong minamasdan ni Princess Misha Mae at hindi nakaligtas sa mga mata ang pamumutla ni Roseanne.
“Magkano pala ang binayad sayo ni Kuya Mattias upang magpanggap ka, Beauty?”
“Ano bang sinasabi mo Princess?”
“Alam mo ang sinasabi ko, kilala ko rin ang doktor na gumawa sa iyong mukha. Kaya lang mukhang nakalimutan mong palagyan ng tatlong pilat ng saksak ang iyong katawan. Dahil ang totoong Roseanne ay may malaking pilat sa iba’t-ibang parte ng katawan at ang mga kamay niya ay makapal sa kalyo.”
“Kung ano-anong sinasabi mo ang mabuti pa ay ibaba mo na lang ako dyan sa tabi at sasakay na lang ako ng taxi.”
“Yeah, dahil ayaw ko naman talagang isakay ka sa aking sasakyan.” pero hindi niya binaba si Roseanne sa abangan ng taxi. Bagkus ay pinasibad ang sasakyan at binaba ito sa highway sa gitna ng init ng araw.
“Bakit dito mo ako ibababa ay wala akong sasakyan dito?”
“Problema mo na yon, get out!” sabay bukas ng auto door. At parang walang planong bumaba kay malakas niyang sinipa. At wala siyang pakialam kung nasaktan ito gawa ng pagkahulog. Pinasibad niya ang sports car palayo habang nakasilip sa side mirror.
Ang sabi ng mga pinsan at elders nagmana daw ang kamalditahan niya sa kanyang Tita Caithlyn at Tita Chariz.
Ang kanyang mommy ay napakabait at mahinahon. Kabaliktaran niyang laging nakasinghal o kaya ay walang pakialam sa mga taong nasa paligid.
Pagdating niya sa opisina may taong naghihintay sa kanya.
“Magandang araw, Princess Misha Mae, narito ang resulta ng imbestigasyon ko.” inabot niya ang folder mula sa kamay ni Detective. Isa-isang tiningnan iyon at napangiti na siya.
“Ipapadala ko ang kabuuang bayad sa account mo, salamat sa lahat ng ito, Detective.”
“Naririto naman ang result ng isa pang inutos mo sa akin. Here buksan mo may mga picture niya diyan. At kagaya ng utos mo hindi ako lumapit sa kanya.”
“Excellent detective, thank you sa lahat ng ito.”
“You’re welcome, Princess Misha Mae, paano aalis na ako.”
“Salamat ulit.”
Nang mapag-isa ay muling binuksan ang folder. Isa-isang tinitigan ang mga litrato ng bestfriend niya. Hindi na naman napigilan maiyak, ang kaisa-isang kaibigan na merons iya ay nagawa niyang talikdan sa mga oras na kailangan siya nito. Bagkus lalo pa niyang idiniin sa kasong hindi naman pala nito ginawa.
Inayos ang sarili at tinawagan ang piloto. Lilipad sila mamayang gabi at sa karatig isla sila bababa. Pagkatapos ay sasakay na lang sila ng speedboat patungo sa maliit na isla na kinaroroonan ng kaibigan.
Minadali niya ang mga papeles na kailangan pirmahan. Ang plano niya ay mag-stay sa isla hanggang mapapayag ang kaibigan.
GABI, isang maleta ang dala ni Princess Misha Mae, ang mga bodyguard ay pinasuot niya ng casual. Upang hindi makatawag pansin sa mga taong makakita sa kanila.
Limang professional bodyguard ang kasama niya, plus ang dalawang piloto at kanyang Driver lady bodyguard.
Ilang oras ang naging biyahe nila at lumapag sila sa Isla Del Venidez. Wala siyang idea kung kanino ang isla na ito pero privado para sa mga turista. Tatlong cottage ang okupado nila nasa magkabila ang sa mga tauhan at sa gitna ang kanila ng kanyang driver lady bodyguard.
Kinabukasan ala-sais pa lamang ng umaga ay sakay na sila ng speedboat patungo sa maliit na isla. Ayon kay detective ang mga nakatira sa isla ng kinaroroonan ng kaibigan ay mga mangingisda. Nakapagtataka na walang nagbabawal sa mga tao doon. Samantalang pribado raw ang lugar na yon.
Sobrang mabait naman yata ang may ari upang hayaan ang mga mangingisda na manirahan sa isla nito.
Makalipas ang isang oras, dumaong sila sa dalampasigan. May mga batang naliligo at masasabi niyang malaya ang mga tao doon.
Isang binatilyo ang napag tanungan nila. Ipinakita niya ang picture ng kaibigan tinalikuran lang sila nito.
“Boy, magkano ang serbisyo mo upang ihatid kami sa bahay ng babang narito sa litrato?”
“Talaga babayaran mo ako, Ms. Ganda?”
“Oo, basta ihatid mo kami sa bahay nitong nasa litrato.”
“Okay, sumunod kayo sa akin, pero sa mga oras na ito ay parating pa lamang ang bangka ni Tomboy. Alas-tres ng madaling araw kung pumalaot para mangisda sila.”
“Ganun ba? Mas mabuti kung dito na lamang kami maghintay?”
“Ikaw ang bahala, Ms. Ganda.” tila nalungkot naman ito sa sinabi niya.
“Huwag kang mag-alala babayaran ko pa rin ang serbisyo mo.”
“Totoo?”
“Oo, magkano ba ang ibabayad ko sayo?”
“Isang daan lang, Ms. Ganda.”
“Isang daan?”
“Sana pero okay na rin ang singkwenta pesos, makakabili na kami ni Nanay ng kalahating kilong bigas at may sobra pa.”
“Ha?” ngunit tumalikod ang binatilyo kaya hinabol niya ito. “Boy! sandali!”
“Ano po yon, Ms. Ganda?”
“Here, kunin mo ito at ibigay sa nanay mo.”
“Naku! Wala po kaming pang sukli sa pera mo ang laki niyan.”
“No! A-Ang ibig kong sabihin ay sayo na ito.”
“Bakit mo ako bibigyan ng ganyan kalaking pera? Wala naman akong ginawang trabaho sayo? Saka napapagalitan ako ni Captain eh, bawal kami tumanggap ng ganyang pera.”
“Sinong captain?”
“Ang may-ari ng isla, lagi siyang dumadalaw dito at inaalam ang pamumuhay namin. Pag tinanggap ko yan sigurado pagalitan ako.”
“Huwag mo na lang sabihin sa kanya.”
“Tinuturuan mong magsinungaling ang isang bata?” kumakabog ang dibdib niya ng marinig ang matigas na boses.
“Captain, sorry po pero hindi ko naman tinanggap.”
“Halika at tumulong ka sa mga naghahakot ng mga supply naroon sa yacht.”
“Opo, captain.” bago humakbang ang binatilyo ay lumingon sa kanya. “Ms. Ganda, pasensya na hindi ko yan matatanggap.” tumango na lang siya ngunit ang atensyon niya ay nasa matangkad na lalaki.
Familiar ang mukha nito, hindi lang niya masyadong matandaan kung saan nakita. Ngunit napa talikod siya ng biglang lumingon sa kanya. Ang makapal nitong kilay ay salubong at ang mga mata ay matalim na nakatingin sa kanya.
“Ahm… Ma’am Ganda, pinapasabi pala ni Captain, private property ang lugar na ito at hindi kayo maaaring mag-stay dito.” tila nabalik siya sa realidad ng marinig ang boses ng isang ginang.
“Hindi naman po kami magtatagal, may sadya lang kami sa kaibigan ko.”
“Naririto ang kaibigan mo?” nagtataka ang ginang sa sagot niya.
“Heto po ang litrato niya, pinuntahan ko lang siya upang kausapin.”
“Si Tomboy ito, kaibigan mo pala siya Ma’am Ganda?”
“Opo, at hindi ganda ang pangalan ko, Princess Misha Mae Montemayor.”
“Montemayor?”
“Opo manang, ahm… mga anong oras po kaya darating ang bangka ng kaibigan ko?”
“Maya maya pa, bago mag alas-otso, minsan late kapag maraming huling isda.”
“Kung ganun, maaari po ba kaming mag-stay dito hanggang dumating siya?”
“Sandali at ipapaalam ko kay captain. Pasensya na Hija, iyon ang patakaran dito.”
“Ayos lang po, manang.” nang tumalikod ang ginang ay inikot lang niya ang mga mata sa paligid. Sa ‘di kalayuan ay nakaupo sa batuhan ang dalawang bodyguard niya. At ang driver lady bodyguard niya ay nakaupo sa buhanginan. Nakasuot lang ang mga ito ng pang beach.
Ang ibang tauhan ay naiwan sa kabilang isla.
“Ma’am Princess Misha Mae, halina po kayo, sumunod kayo sa akin. Mag almusal muna kayo habang naghihintay sa kaibigan mo.” hindi siya makapaniwala sa naririnig. Kaya hindi siya agad kumilos.
“Pasensya na, Ma’am Princess Misha Mae, mabait naman si Captain. Ganun lang yon parang masungit pero may kababaan loob. Doon daw muna kayo sa resthouse habang naghihintay kay tomboy.
“Manang, salamat po.” kinawayan niya ang mga kasama at sumunod na sila sa ginang.
Wala silang imikan hanggang marating malaking bahay.
“Dito muna kayo at ihahanda ko ang inyong breakfast.”
“Ahm, pwede po ba maki gamit ng restroom?”
“Oo naman, halika ituturo ko sayo.” iniwan niya muna ang tatlo sa living room. Naglalakad sila ng ginang paakyat sa ikalawang palapag.
“Diretso ka lang sa pinaka dulo, naroon ang restroom.” nakangiting pahayag sa kanya ng ginang.
Walang tao sa paligid kaya mabilis siyang naglalakad patungo sa dulong pasilyo.
Pagdating niya doon, ay wala siyang ibang nakita kundi isang pinto. Agad na pumasok doon nang biglang napasigaw sa gulat. Tatakbo sana siya pabalik sa pinanggalingan ng may humila sa kanya.
"M-Multo! Parang awa mo na bitawan mo ako!" nangatal sa takot ang buong katawan niya.