Chapter- 8

1704 Words
SA bawat araw na lumilipas lalong naging mahirap ang sitwasyon ni Matteo. Parang nananadya ang pagkakataon wala pa rin silang nakukuhang heart donor. Sinubukan ni Mattias lapitan si Roseanne pero hindi na ito muling nakita pa. Ang sabi ng abuelo nito ay wala na sa mansyon. At kahit ito ay walang balita kung nasaan ang apo. Para maniwala siya ay pinakita pa ng abuelo ang sulat pamamaalam ni Roseanne. Hindi niya kayang tuluyang mawala sa kanila ang kakambal. Maisip pa lang ang ina kung paano ito masasaktan ay mas lalong nagpapahirap sa sitwasyon. May naisip siyang paraan pero kailangan isangguni sa mga magulang. Kaya lang paano kung hindi pumayag ang mga ito? Sa huli nagpasya siyang hindi na ipaalam sa kahit sino na miyembro ng pamilya. - 1-year later… “Brother, happy birthday.” “Thank you, Kambal.” “May regalo ako sayo alam ko magugustuhan mo. Pero dapat nakapikit ka muna.” “Ano naman yon?” Sinikap ni Matteo maging masaya. Kahit ngayon kaarawan nila ay maging masaya din ang mommy nila. Magmula ng walang heart donor na mahanap ay pinilit niyang mabuhay ng normal. Hindi para sa sarili kundi sa kanyang pinakamamahal na ina. Saksi siya kung paano ito lubos na masaktan, kapag inaatake siya ng sakit halos mamatay ang mommy nila sa pag-alaala sa kanya. Kaya mula noon pinakita niya na fully recovered na siya. At kahit inaatake siya ay pinakiusapan ang ama at mga kapatid na lihim sa ina. “Ready ka na kambal?” “Oo naman, pina pasabik mo ako.” Ganun pa man ay excited siyang makita ang regalo ng kakambal. “Heto na kambal.” Dahandahan siyang nagmulat at tila lumukso ang puso niya ng makita si Roseanne. Agad na naglakad palapit dito at mahigpit na niyakap. “I miss you so much.” “I-I miss you too, babe.” “Ang daya mo bakit ngayon ka lang tagal mong hindi nagpakita. Saan ka ba galing ang sabi ni Kuya Mattias nasa ibang bansa ka at busy sa mga kompanya ng lolo mo?” “Y-Yeah, pero ngayon dito na ako sa tabi mo. Kaya dapat magpagaling ka na.” “Yeah, ngayo'y naririto ka magaling na agad ako.” Naluluha si Mattias pati na ang mga magulang habang nakamasid kay Matteo. Ngunit kakaiba ang titig ng ina kay Roseanne. Binalewala na lamang niya ang mga nakikita. Ang mahalaga masaya ang kakambal. Subalit pagkatapos ng konting salo salo hindi nakaligtas si Mattias sa kanyang ina. “Anong kalokohan ang pumasok diyan sa isipan mo, Mattias?” “Mom, anong sinasabi mo hindi kita maintindihan.” “Alam mo ang ibig kong sabihin, bakit nagawa mo yon?” Tinalikuran niya ang ina at naglakad siya papasok sa kanyang silid. Subalit kasunod niya ito at nang makapasok sa loob ay malakas siyang sinampal. “Hanggang kailan mo lolokohin ang kakambal mo, Mattias?” Hindi na siya nakapag salita pa lalo ng makitang umiiyak ang ina. Humarap siya sa bintana ayaw niyang makita nito na pati siya ay tumutulo ang luha. “Ang dami na natin kasalanan sa kapatid mo tapos heto at dinagdagan mo na naman. Sa akala mo ba hindi niya malalaman ang ginawa mo? May pakiramdam pa rin ang kapatid mo, Mattias. Tumitibok pa rin ang puso niya!” “P-Patawarin mo ako, mommy. Natatakot lang ako na mawala siya sa atin tapos wala akong ginawa.” “Sa ngayon magagawa mo siyang lokohin pero hindi magtatagal malalaman din niya ang totoo. At kapag nangyari yon anong gagawin mo? Sa akala mo ba magagawa ka pa niyang patawarin?” “Saka ko na haharapin ang tungkol doon kapag dumating na ang oras na yon. Sa ngayon walang mahalaga sa akin kundi makita siya sa araw-araw na masaya.” Nanlalambot ang mga tuhod ni Maggie kaya napahawak siya sa wall. Lumabas siya ng silid ni Mattias nang nakasalubong si Matteo at Roseanne. “Mommy, nasaan po si Kuya Mattias, uuwi na si Roseanne at magpapaalam lang siya.” “Nasa kanyang silid, puntahan mo na lang doon. Ahm… Roseanne gusto sana kitang makausap.” “Sure! Sabay talikod nito at naglakad pababa ng hagdan. Ngali ngaling itulak ni Maggie upang tuluyang mawala sa paningin. “Anong sasabihin mo, Mrs. Montemayor?” Nakataas pa ang isang kilay habang nakaharap sa kanya. “Anong deal ninyo ng aking anak na si Mattias?” “Bakit mo inaalam, confidential ang usapan namin kaya walang dapat nakakaalam.” “Ina niya ako karapatan kong malaman!” “Kung hindi ko pa rin sabihin? Sasaktan mo na naman ako kagaya ng ginawa mo sa akin noong graduation day namin?” “Hindi lang yon ang matitikman mo sa akin!” “Try mo kung nais mong tuluyan mamatay si Matteo!” Sabay talikod nito at naiwan nagpupuyos sa galit si Maggie. NANG sumunod na araw, nasa mansyon na naman si Roseanne. Kaya ang ginawa ni Maggie ay siya na ang umiwas. Baka hindi niya mapigilan ang sarili ay ma-archer niya ang babaeng yon. Inisip na lamang niya ang kasiyahan ni Matteo. Ang mahalaga ay maging maayos na ang kalagayan nito. “Ngunit walang kaalam alam ang lahat na lihim nagmamasid si Misha Mae. Unang kita pa lamang niya sa babaeng kasama ng kapatid na si Mattias. Alam na niya ang ibig sabihin kung bakit kasama sa mansyon ang babaeng yon. Ginawa ni Mattias kahit hindi nito gusto para sa kapakanan ni Matteo. Pero hindi siya mananahimik lang, kailanman hindi niya papayagan na lokohin nito ang kapatid. “Kalahating million, imbestigahan mo ang babaeng nasa mansyon.” “Ano ang nais mong unahin ko, Princess Misha Mae?” “Real identity, kung saan talaga siya nagmula. At ano ang deal nila ng kapatid kong si Mattias.” “Give me one week, lahat ng kailangan mo ay ibibigay ko sayo.” “Good! And another half millions, hanapin mo ang taong ito. Kapag nakita mo huwag mo siyang lalapitan. Dalhin mo ako sa kanya at ako mismo ang makipag-usap. At huwag matagal, alam ko kayang kaya mong madaliin. “Sure, Princess Misha Mae, give me three days.” “Go!” Pag sulyap niya sa relo na pambisig halos ala-singko na ng hapon. Dinampot ang kanyang bag at lumabas ng opisina. Sakay ng kanyang sports car ay pinasibad iyon pauwi ng mansyon. Doon na muna siya mamalagi upang mabigyan ng moral support ang ina. Nang sabihin sa kanya ng dating yaya niya ang sitwasyon sa mansyon ay nagpasya siyang lisanin na muna ang sime-mansion niya. Saka na siya babalik doon kapag maayos na ang sitwasyon. “Princess, nasa kwarto niya ang kapatid mong si Matteo.” salubong sa kanya ng kanyang dating yaya. “Si Roseanne, nariyan ba?” “Oo, naroon sa guest room.” “Eh, si Mommy ko?” “Nasa library, silang dalawa ng daddy mo.” “Okay, ikaw na ang bahala sa mga gamit ko, yaya. Puntahan ko lang sila mommy at daddy. Huwag mong babanggitin sa kahit sino na naririto ako.” “Sige, Princess.” Malaki ang hakbang niya patungo sa library. Hindi na siya kumatok at pumasok na lang sa loob. Naabutan niya ang ina na umiiyak kaya naalarma siya agad. “Mommy, daddy, ano po ang nangyayari?” “Princess, kailan ka pa dumating?” “Ngayon lang po at plano kong dito na muna mag-stay. Ano ang problema mommy bakit umiiyak ka?” “Ang kapatid mong si Mattias, dinala niya dito si Roseanne. Ang babaeng yon na ngayon pa lang kung umasta ay parang asawa na ni Matteo.” “Mom, mag-relax ka muna saka mo sabihin sa akin lahat.” “Lagi ko nga sinasabi sa mommy mo na huwag masyadong pansinin ang babaeng yon. Magtiwala tayo kay Mattias, hindi gagawa ng ganun ang kapatid mo kung may iba pang pagpipilian.” “Paano ako maging kampante, ramdam kong gagamitin ng babaeng yon si Matteo. Upang magawa ang bawat naisin.” “Mommy, sa ngayon ibigay natin ang nais niya. Para kay Kuya Matteo, pasasaan ba at malalaman din non ang tunay na kulay ni Roseanne.” “Kaya ako na ang umiiwas na makita ang babaeng yon.” “Good! Hayaan natin na magbuhay reyna siya kapag nasa harapan ni Kuya Matteo.” “Anong ibig mong sabihin, Princess?” “Ako na ang bahala sa kanya mommy, trust me lalabas din ang totoo at si Kuya Matteo mismo ang magpaalis sa kanya.” “Darating ang araw na yon kaya maghintay lang tayo. Huwag mong i-stress ang sarili mo mommy baka ikaw naman ang magkasakit. Lalong matutuwa si Roseanne kapag nangyari yon.” “Okay, ikaw na nag bahala, Princess.” tumango na lang siya sa ina bago inabot sa ama ang cellphone niya. “Wala silang alam sa bagay na yan, kaya huwag kang masyadong nag-iisip mommy ko. Ang mabuting gawin natin maging mabait tayo kay Roseanne kapag kaharap si Kuya Matteo.” “Tama si Princess, kaya sweetheart, iwasan mo na ang nagagalit. Mas matutuwa ang babaeng yon kapag nakikita niya na apektado ka.” ani ng daddy niya. “Okay, gagawin ko ang sinabi mo, Princess.” naiiyak pa rin ang kanyang ina. “Good! Maiwan ko po muna kayo at aakyat lang ako sa aking kwarto.” “Go ahead, Princess.” Lumabas na siya ng library at piniling sa hagdanan dumaan. Hanggang maari ayaw din niyang maka salubong si Roseanne. Pagdating sa kanyang silid ay naabutan niya si Yaya, busy ito. “Iwanan mo yan yaya ako na ang bahalang magligpit. “Sige, Princess at baba muna ako para kunan kita ng malamig na mango shake.” “Salamat po.” nakangiting ani sa kanyang yaya. “Nang makaalis ang yaya niya ay sumilip siya sa bintana. Madilim na sa paligid, unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi. Tingnan lang niya kundi maihi sa short ang babaeng yon. Hindi ang kagaya ni Roseanne ang mag-reyna reynahan sa mansyon ng mga magulang. Walang sinuman ang basta lang mananakit sa damdamin ng ina. Noong mga bata pa lamang sila ay nakita niya kung gaano sila minahal at pinahalagahan ng ina at ama. Ngayon siya naman ang gagawa non sa kanyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD