Chapter- 7

1632 Words
TIIM bagang si Mattias habang nakatitig sa tulog na kakambal. Lately nag sunod sunod ang atake nito kaya na lagay sa peligro ang buhay. Nagsimula ang unang atake ng malaman na nilason ang abuelo na ikinamatay nito. At muntik na rin nawala sa buhay nila si Matteo, kaya ang galit niya ay hindi nagawang kontrolin at tuluyan humulagpos. Nang makita si Roseanne Montejo o tamang tawagin sa pangalan Angelica. Wala siyang alam gawin kundi pahirapan ito at saktan ng paulit-ulit. Kahit labag sa prinsipyo niya ay nagpatuloy siya sa pagpapahirap dito. Kahit sa loob ng kulungan ay ilang beses niyang sinubukan ipapa bugbog ito. Ang mga nais dumalaw ay hinaharang niya. Ang galit niya ay lalong lumaki ng nalaman niyang hindi ang abuelo ang nakabuntis kay Roseanne. Kaya ang nararamdaman konsensya ng mawala ang bata sa sinapupunan nito ay tuluyang naglaho. Deserve ng babaeng yon ang namatayan ng anak. Ang hindi niya inaasahan ng isang beses makarecover ang kakambal. Inamin ni Matteo sa kanya na ito ang gabi-gabing sumisiping kay Roseanne. Tinatakot din ng kakambal ang babaeng yon na aalisan ng life support ang ina nito kapag nag sumbong. Bumalik siya sa ospital na pinagdalhan dito ng maipasok na ito sa kulungan. Sinubukan niyang makakuha ng DNA Test sa petus na tinanggal sa tiyan ni Roseanne. Nais niyang masiguro na totoo ang sinabi ni Matteo. Nang lumabas ang result positive iyon. Isang Montemayor ang bata at anak ng kanyang kakambal. Para siyang binuhusan ng nangyeyelong tubig ng lumabas ang totoo. Pamangkin niya ang batang nalaglag mula sinapupunan ni Roseanne dahil sa kagagawan niya. At hindi napigilan ni Mattias ang mapaiyak sa pagsisisi. Hinayan niyang talunin ng galit at ang tanging iniisip ay gumanti. Pati inosenteng panganay na anak sana ng kakambal niya ay nadamay. Ngayon habang hinihintay magising si Matteo ay dumating ang ina. “Kumusta ang kapatid mo?” Naluluha na naman ang kanyang mommy. Habang hinahaplos ang buhok ng kakambal niya. “Ang sabi ng kanyang doktor ay stable na ang kalagayan ni Matteo, ang kailangan lang sapat na pahinga. Bawal siyang mag isip o ma-stress.” “Paano kung sa pag gising niya hanapin si Roseanne? O kaya malaman niya na nakulong ng mahabang panahon sa salang hindi nito ginawa. Anong gagawin natin, Mattias?” “Huwag natin yon isipin. Mom, ang kailangan lang bumalik sa normal ang katawan niya.” “Pero hanggang kailan natin magagawa ilihim sa kanya ang nangyari kay Roseanne at sa bata?” “Hindi ko rin alam, mommy kahit ako nalilito kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Masyado akong naging padalos dalos ng desisyon noon. Kung hindi ko pinairal ang galit at inuna ang imbestigasyon hindi sana nangyari ang lahat ng ito.” “Huwag mong sisihin ang sarili mo, Mattias, malaki rin ang kasalanan ko. Nagpadala ako sa emosyon ng makita kong patay na si Papa. Ilang buwan ko pa lang nakakasama ang lolo mo magmula ng matagpuan siya at malaman kong buhay. Tapos mamamatay din pala agad. Pagkatapos ang bestfriend pa ni Misha Mae ang napatunayan pumatay dahil sa fingerprint niya. Nang mga oras na yon nilukuban ako ng matinding galit kaya nasaktan ko siya ng paulit-ulit. Yon naman pala ay inonsente ang batang yon.” “A-Anong ginawa nyo kay Roseanne?” sabay pa silang lumingon kay Matteo. “Matteo! Oh, God, thank you Lord at hindi mo pinabayaan ang anak ko.” Yumakap si Maggie sa anak at hindi mapigilan humagulgol ng iyak.” “M-Mommy, huwag ka ng umiyak… si Roseanne, kumusta na po siya? Dumalaw ba siya sa akin habang tulog ako?” “Sorry anak…” “Yes brother, ilang beses siyang nagpunta dito pero tulog ka.” mabilis na sagot ni Mattias. “Talaga, Kuya Mattias?” “Yeah, kaya lang wala siya ngayon dito sa bansa, at baka matatagalan bago bumalik.” “Bakit saan siya nag punta?” “Kailangan niya ng pamahalaan ang mga kompanya ng lolo niya.” “Lolo? Sino yon may lolo ba siya?” “Ang lolo niya ay kaibigan ng iyong lolo “I-I see.” Naalarma si Maggie ng nakita ang lungkot sa mukha ng anak, kinakabahan siya na baka bigla na naman atakihin si Matteo. “Ahm… brother, kumusta pala ang pakiramdam mo?” Mas mabuti ibahin ang topic nila upang kahit paano makalimutan ni Matteo ang sitwasyon. “Ayos lang ako, ahm… mommy kapag pumayag ba ako sa heart transplant. Hahaba pa ba ang buhay ko? Gusto mong mabuhay pa ng matagal upang makasama ko siya.” “Oo naman anak, kapag heart transplant ay ibig sabihin wala na ang sakit mo sa puso.” “Kung ganun, payag na po ako.” “Talaga anak?” “Opo, mommy.” Nakatingin lang si Mattias sa kakambal niya. Awang awa siya dito kung pwede lang ibigay niya ang puso dito upang mabuhay ng matagal. Pero ngayon pumayag na ito siya mismo ang hahanap ng heart donor para dito. Kahit ikutin niya ang buong mundo makakuha lang agad ng taong willing mag-donate ng organ sa kapatid. “Mattias, tawagan mo ang daddy mo.” “Opo mommy.” At iniwan na ang dalawa. “Mommy, kwentuhan mo po ako tungkol kay Roseanne, sa palagay mo mahal na ba niya ako?” Hindi masagot ni Maggie, ayaw niyang mag sinungaling sa anak pero kapag sinabi niya ang totoo sigurado aatakihin ito. “… kapag binibisita niya ako may dala ba siyang bulaklak?” “Ahm… yeah.” Halos ayaw lumabas ng boses ni Maggie tila namamalat pa iyon. “I miss her so much, kahit ang dami kong kasalanan sa kanya. Sana bago ako magpa heart transplant ay magkita kami. Puntahan niya ulit ako dito.” “Sana m-makabalik na siya ng bansa, pero kapag hindi kayo nagkita isipin mo na lang mas maganda sa pagkikita nyo wala ka ng sakit.” wika ni Maggie, nasasaktan siya sa ginagawa nilang kasinungalingan kay Matteo. “Yeah, yon ang the best, sana makahanap agad ng heart donor.” Hindi napigilan ni Maggie nabagsakan ang kanyang luha. Sa tuwing naalala niya kung paano nila sinaktan si Roseanne. Ang inosenteng babae na hindi lang sa kanila dumanas ng hirap at pasakit kundi sa nagpalaki dito na si Mrs. Ver. Ngayon kahit anong pagsisisi pa ang gawin nila ay hindi na maibabalik. Nagdusa na ito ng mahabang panahon sa kulungan. Nasira na ang pangalan nito at hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa mga kagaya nilang mabilis humusga. “Mommy, bakit ka pa umiiyak, ay okay naman na ako? ‘Di ba yon sabi ko kanina payag na ako sa heart transplant?” “W-Wala anak, may naalala lang ako.” “Ano po yon?” Ahm… yung mga panahon na inakala ko iiwan mo na kaming lahat.” “Hindi yon mangyayari magkakaroon pa kami ni Roseanne ng maraming anak. Kaya alisin mo sa isipan ang ganun bagay dahil bibigyan pa kita ng mga apo.” Nakangiting pahayag ni Matteo sa kanyang ina. - SAMANTALA, gumawa ng desisyon si Roseanne, baka sa gagawin niyang yon magkaroon siya ng katahimikan. Hindi madali ang humarap sa mga taong mapanghusga. Lalo at halos lahat ng nakapaligid sa pamilya Montejo ay alam na galing siya sa kulungan. Kung ano ang kanyang mga pinagdaanan. Kung sino ang kanyang asawa at namatay ang anak niya sa ibang lalaki. Mga salitang hindi na ni Roseanne magawang pakinggan. Pagod na siya sa mga ganun salita. Kaya minabuti niyang lisanin ang mansion ng abuelo. Noong nakalaya siya dahil sa tulong ng kanyang lolo. Ang buong akala niya ay ayos na ang lahat. Dahil napatunayan na hindi siya ang kriminal na pumatay sa kanyang seventy-year-old na asawa. Hindi na pala mabubura sa pagkatao niya na isa siyang kriminal. Bagkus mas dumami pa ang mga taong nangungutya sa kanya. Hindi na siya nagpaalam sa kanyang lolo. Nag-iwan na lamang siya ng sulat ng pamamaalam. Hindi niya kayang makisalamuha sa mundong ginagalawan ng abuelo. Mga taong mayayaman na walang ginawa kundi tingnan ang estado kung saan nagmula. Tapakan ang mahihirap at alispustain ang pamumuhay. Nagpasya siyang lumayo hindi dahil duwag siyang humarap sa mga taong nakakakilala sa kanya. Kundi nais niya ng katahimikan iyong meron peace of mind. Namumuhay ng simple at walang kaaway. SAKAY siya ng pumpboat patungo sa isla, iyong walang isa man nakakakilala sa kanya. Doon ang napili niyang lugar upang manirahan. Sanay siya sa hirap at kaya niyang magtrabaho upang suportahan ang kanyang pangangailangan. Pansamantala ay umuupa siya ng maliit na kubo. Nagdamit lalaki siya upang makaiwas sa mga mata na mapanuri. Nang sumunod na araw ay nagtungo siya sa bayan. Bumili ng lambat pagkatapos ay kinausap ang may ari ng kubo. Sinabi niyang nais matutunan ang pangingisda. “Anong tawag namin sayo, Hijo o Hija?” Biro ng ginoo habang nakangiti sa kanya. “Tomboy po ako, kaya kahit ano kung saan kayo komportable ay ayos lang sa akin.” Pilit ang ngiti niya upang hindi ito mailang sa kanya. SA paglipas ng mga araw ay mabilis niyang natutunan ang pangingisda. Nagkaroon din siya ng mga kaibigan at unti-unting bumalik sa normal ang buhay niya. Ganun pa man kapag nag-iisa siya ay hindi pa rin maiiwasan alalahanin ang mga pinagdaanan sa buhay. May mga gabi na umiiyak pa rin siya lalo na kapag naalala ang anak. Kung nabuhay sana may kasama siya ngayon at kahit paano baka naging masaya pa rin siya. Pero siguro talagang sadyang hanggang doon lang ang buhay ng baby niya. Dahil kung nabuhay yon sigurado sa kulungan niya isinilang. Pumihit siya ng higa at sinikap makatulog, bukas maaga pa siyang gigising upang pumalaot. Alas-tres ng madaling araw kung mangisda sila ng mga kasama. Bago tuluyang pumikit ay umusal pa siya ng maikling panalangin. Para sa sariling kaligtasan ganun din sa mga kasamahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD